IQNA

Nagsisimula ang mga Kursong Qur’aniko sa Tag-init sa Astan ng Imam Hussein

11:04 - June 10, 2022
News ID: 3004176
TEHRAN (IQNA) – Ang Sentro ng Dar-ol-Qur’an na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng Imam Hussein (AS) na banal na dambana ay nagsimula ang mga kursong Qur’aniko sa tag-init na may partisipasyon ng 6,900 na mga kababaihan at mga kalalakihan.

Ayon kay Safa al-Silavi, isang opisyal ng Astan, ang mga kurso ay nagsimula ngayong linggo sa dambana ni Imam Hussein (AS) gayundin sa mga sangay ng Sentrong Dar-ol-Qur’an sa ibang mga lungsod.

Matututuhan ng mga mag-aaral ang Qur’an, fiqh, etika, at mga paniniwalang Islamiko sa mga sesyon.

Tumatagal ng humigit-kumulang isang buwan sa panahon ng bakasyon sa tag-inig, ang mga kurso ay itinanghal para sa mga babae sa umaga at para sa mga lalaki sa hapon.

Sinabi rin ng opisyal na nakahanda na ang mga sasakyan para dalhin ang mga estudyante sa mga sentro at ihatid sila pauwi.

Ang Astan ng Imam Hussein (AS) ay nagsasagawa ng iba't ibang mga programang Qur’aniko sa loob at labas ng Iraq upang itaguyod ang mga konsepto at mga aral ng Qur’an.

 

 

 

3479232

captcha